ganda nito!
Galing talaga ng Coke pagdating sa advertising. At syemopre, nabuhay na naman ang pangarap kong maging advertiser. Feeling ko kasi, mas laid back ang trabaho dito kaya wala nang problema sa kasuotan(I am not a high-heels kind of person) tsaka mas masaya. Pero wala eh, I think I'm going to be stuck in this course I'm taking up. Anyway, Ma'am Espina's class is helping me naman to cope. Her grace and all keeps me grounded._________________
Coke ad:
_________________
Walang pasok ngayon! Saya no? To think, kahapon, kahit Miyerkules ay nasa arki kami para tapusin ang plate. After lunch, pumunta kaming faculty room para magmakaawa kay Ma'am na ipauwi na n'ya ang trabaho. Ayaw n'ya na kasing ipagawa sa bahay ang plates namin dahil nagkakapuyatan daw. May mga nagkakasakit kasi sa ganung sistema, ang "walang tulugan" system.
So ayun, sabi ni Sir Aleta, kunin na lang ng Huwebes dahil may pasok naman nun. Humirit ako ng bakit di na lang kunin nung araw na yun, Miyerkules. Baka bumagyo kinabukasan at walang pasok, di pa namin makuha. Natawa lang si Sir kasi parang imposible. Sabi naman ni Dennen at Nica, meron nga daw bagyong paparating. Akalain mong pagdating ng hapon, kumalat sa arki na wala ngang pasok kinabukasan. Haha...matinding sigawan sa kotse ni Kuya Layu ang naganap nang ma-confirn namin through Kuya Lou's text ang balita. Talk about dilang anghel. Di naman ako anghel. hehe...dyosa ako ng kagandahan. Charing!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
Links to this post:
Create a Link
<< Home